1 ang patay, 20 sugatan sa sumabog na water tank sa San Jose Del Monte, Bulacan

     3 weeks ago
190
Leave a Comment
3 SHARE

Isa ang nasawi at hindi bababa sa 20 ang nasugatan makaraang sumabog ang water tank sa bahagi ng Barangay Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan.

Ayon kay San Jose Del Monte Police Chief, Supt. Fitz Macariola, nawasak ang water tank at rumagasa ang tubig sa mga bahay at establisyimento sa palibot nito.

Dahil dito, may mga bahay na nasira, isa ang nasawi at sa 20 na nasugatan ay walo na ang isinugod sa ospital.

Tinatayang aabot sa 2,000 cubic meters ang capacity ng bumigay na tangke.

Samantala, sinabi naman ni Gina Ayson Su ng SJDM Disaster Risk Reduction and Management Office, limang taon pa lamang ang nasabing tangke.

READ  Mag-resign na sa gobyerno kung hindi sang-ayon sa polisiya ni Duterte-Sotto

Inaalam pa ang dahilan kung bakit ito bumigay.

Pero ayon sa isang caretaker sa lugar, naganap ang pagsabog alas 3:30 ng madaling araw at may narinig silang tunog ng pagkasira o crack mula sa tangke.

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments