1 kilo shabu, mga baril sa bahay nina Mayor Lopez, hindi ‘planted’ – PDEA chief Aquino

     2 months ago
22
Leave a Comment
0 SHARE

Mariing pinabulaanan ngayon ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) director-general Aaron Aquino ang pahayag ni Maasim, Saranggani Province mayor Aniceto Lopez Jr. na “planted” at wala daw siyang alam sa mga iligal na droga at mga baril na nakumpiska ng PDEA.

Sinabi sa Bombo Radyo ni Gen. Aquino, lehitimo ang kanilang isinagawang raid at walang ginawang pagtatanim ng mga ebidensya lalo sa mga shabu at ang “green book” ni Mayor Lopez ng mga nakatransaksyon sa illegal drugs.

Ayon kay Aquino, patunay dito ang pagsama nila ng media at tatlong barangay officials sa ginawang raid.

Kaugnay nito, inihayag ni Aquino sa Bombo Radyo na dahil sa dami ng mga shabu at armas na nakumpiska, “non-bailable” o walang piyansa ang kakaharaping kaso ni Mayor Lopez.

READ  Resignation letter ni VP Robredo, Natanggap na ng Malakanyang

Una rito, kinumpirma ni Gen. Aquino na nasa 10 hanggang 15 prominenteng mga mayors, governors at mga negosyante ang nasa “green book” ni Mayor Lopez.

Ito ay maliban kina Herbert Colangco, Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at Albuerra mayor Rolando Espinosa.

Si Mayor Lopez ay nasa kustodiya na ng PDEA Region 12 matapos sumuko kay Sen. Manny Pacquiao ilang oras ang ginawang raid ng PDEA sa bahay nito kung saan nakumpiska ang ang isang kilo ng suspected shabu, ecstasy, small kitchen shabu laboratory, dalawang rifle grenade launcher, dalawang granada at dalawang colt caliber .45 pistol.

Inihayag sa Bombo Radyo ni Gen. Aquino, bawat pangalan sa listahan ni Mayor Lopez ay may nakalagay na halaga ng transaksyon ng iligal na droga.

READ  Ubusin muna mga terorista bago alisin Martial Law - Duterte

Ayon kay Aquino, malawak ang drugs operation ni Mayor Lopez sa bansa dahil batay sa kanilang impormasyon, nagsimula ang “drug route” nito sa Batangas, Caticlan, Cagayan de Oro, Ozamiz City at sa Saranggani Province.

Inihayag ng PDEA chief na ang pagkakaugnay ni Lopez kina Parojinog, Colangco at Espinosa ay nagpapatunay na isa siyang drug lord.

“So meron mga mayors, merong governors doon sa listahan, merong mga prominent businessmen. There are about mga, kung hindi ako nagkakamali between 10 to 15 ‘yung mga tao na nandun sa listahan with corresponding amount na nakalagay in millions,” ani Gen. Aquino sa panayam ng Bombo Radyo.

Source link

Post Comments