10 pa missing na crew sa lumubog na barko sa Cagayan; 16 na ang na-rescue

     1 week ago
14
Leave a Comment
2 SHARE

(Update) TUGUEGARAO CITY – Labing anim na ang na-rescue mula sa 26 na crew na pawang mga Indian nationals ng lumubog na cargo ship sa karagatang sakop ng Santa Ana, Cagayan.

Sinabi ni Ensign Joel Nieva, information officer ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakabase sa Aparri, Cagayan, ipagpapatuloy ng rescue team mula sa Cagayan at Batanes at maging ang ipinadalang vessel ng may-ari ng lumubog na barko na MV Emerald Star ang search and rescue operation ngayong araw na ito sa 10 pang nawawalang crew.

Aniya, humiling na rin sila ng tulong mula sa kanilang headquarters para sa search and rescue operation.

READ  Palasyo: Abangan diskarte ng anak at manugang ni Duterte sa Senate probe sa BoC smuggling

Sinabi ng PCG na bineberika na rin nila kung may sakay na mga Pinoy crew ang nasabing barko.

Idinagdag pa ng opisyal na inaalam rin nila kung saan talaga galing at kung saan papunta ang barko dahil sa magkakaibang report na nanggaling daw ito ng Indonesia at papunta ng China.

May lumabas din na impormasyon na nagmula ito ng Hong Kong at papuntang Indonesia.

Ayon kay Nieva, posibleng lumubog ang nasabing barko dahil sa sama ng panahon dala ng bagyong Odette.

Una nang nagpaabot nang distress call ang barko kahapon ng madaling araw.

Source link

Post Comments