10-yr old Pinay, emosyunal sa pagpasok sa AGT finale: ‘I can’t believe’

     3 months ago
19
Leave a Comment
0 SHARE

Hindi makapaniwala ang young Filipina-American finalist sa America’s Got Talent (AGT) Season 12 na si Angelica Hale na nakapasok ito sa finale ng nasabing reality singing competition.

Sa katatapos na results night kaninang umaga sa Pilipinas o gabi sa California, pinakaunang tinawag ang 10-year old aspiring Pinay superstar mula Georgia, kung saan ito ay napaupo, napatakip ng bibig, kasabay ng pag-iyak.

Nangangahulugan ito na isa si Hale sa tatlong nakakuha ng pinakamaraming boto.

Ayon kay Angelica, parang pangarap lang ang mga nangyari, pangarap na aniya’y hindi inasahang matutupad.

“I’m feeling so overwhelmed right now. I can’t believe this is happening, Oh my God!” ang emosyunal na pahayag nito pagkatapos ng announcement.

READ  Team Pacquiao tutulak na sa Australia sa Sabado

Isa sa pinakalabis na natuwa sa pag-usad ni Hale sa finale ay ang German-American supermodel at isa sa mga hurado na si Heidi Klum na una nang umamin sa performance night kahapon na personal favorite niya ang batang Pinay sa lahat ng contender.

Gaganapin ang grand finale sa California sa darating na September 20 at 21 oras sa Pilipinas.

Nabatid na mula sa 11 semi-finalists, lima lang ang umusad sa finals ng AGT.

Makakalaban ni Hale sa finals ang dance group na Light Balance at Diavolo, gayundin ang plane crash survivor na si Kechi, at ang deaf singer-songwriter na si Mandy Harvey,

READ  “Kiko” napanatili ang lakas habang patungo sa extreme northern Luzon

Bigo namang makapasok ang isa pa sa mga agaw-pansing performances- ang siyam na taong gulang na si Celine Tam.

Una rito, inawit ni Hale sa semi finals round bago nakapasok sa finale, ang “Without You” ng beteranong French DJ at singer na si David Guetta na umani ng papuri at standing ovation mula sa mga hurado.

Si Angelica ay maituturing na survivor kung saan apat na taong gulang pa lang ito nang sumailalim sa kidney transplant at ang mismong donor ay ang kaniyang inang si Eva Bolando-Hale na isang Pinay.

Source link

0 SHARE

Post Comments