11 katao, sugatan matapos masagasaan sa London

     2 weeks ago
17
Leave a Comment
0 SHARE

Labing-isang katao ang sugatan matapos masagasaan ng kotseng humarurot sa pavement at pedestrian malapit sa Natural History Museum sa London.

Agad na rumesponde ang mga pulis at naaresto ang isang lalaki.

Ang nasabing aksidente ay nagresulta sa pagkabahala ng mga opisyal matapos ang sunud-sunod ng insidente ng pananagasa sa mga pedestrians sa London ngayong taon.

Sa isang pahayag sinabi ni London Mayor Sadiq Khan na nakikipag-ugnayan ang kanyang tanggapan kay Assistant Metropolitan Police Commissioner Mark Rowley.

Pawang leg at head injuries ang natamo ng mga biktima kung saan siyam ang dinala sa ospital ayon sa London Ambulance Service.

READ  Misis handang tumestigo sa impeachment complaint laban sa Comelec Chairman

Ang lugar kung nasaan ang Natural History Museum ay popular sa mga lokal at turista.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang insidente at iginiit naman ng mga pulisya na isang road traffic investigation ang isinasagawa at walang kinalaman sa anggulong terorismo.

TINGNAN: Pagkakagulo ng mga tao dahil sa aksidente.

Source link

0 SHARE

Post Comments