12 armadong kalalakihan, arestado sa Palawan

     4 weeks ago
64
1 Comment
128 SHARE

Hinuli ng mga otoridad ang 12 armadong kalalakihan sa Barangay Carabao, Culion sa Palawan.

Ayon kay Police Senior Superintendent Gabriel Lopez, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa isang concerned citizen na may nakita siyang mga armadong lalaki sakay ng isang bangka. Ayon pa umano sa nag-report, nakasuot ng military uniform ang mga lalaki.

Kwento pa ng concerned citizen, pinaaalis sila sa lugar ng mga kalalakihan at isa umano sa mga ito ang isang Mr. Valera.

Agad na nagpadala ng mga pulis sa lugar, kung saan nakita nila ang labindalawang armadong lalaki.

Ayon sa Palawan Provincial Police Office, posibleng hindi miyembro ng New People’s Army ang mga nahuling lalaki dahil hindi nanlaban ang mga ito.

READ  Pilipinas, hindi na tatanggap ng ayuda mula sa EU

Pagdating ng mga pulis ay isinuko ng mga lalaki ang kanilang mga dalang armas at maayos na sumama sa limang mga pulis na rumespunde sa lugar.

Pitong baril at mga bala, isang chainsaw, handheld radio, combat boots at uniporme ng Philippine Army, at 14 na mga cellphone ang nakumpiska mula sa mga kalalakihan.

Patuloy na iniimbestigahan ang mga naarestong lalaki na mahaharap sa kasong illegal possession of firearms and ammunition.

Source link

128 SHARE

Post Comments