15-anyos na binatilyo, patay sa pagsalakay ng mga rebelde sa Masbate

     3 months ago
22
Leave a Comment
0 SHARE

 

Nasawi ang isang kinse anyos na binatilyo matapos sumalakay ang puwersa ng New people’s Amrny sa grupo ng mga sundalo na nagkukumpuni ng isang day care center sa Masbate.

Ayon sa 9th Infantry Division ng Army, nakilala ang nasawing biktima na si Vincent Pekiro, residente ng Bgy. libertad, Cawayan, Masbate.

Diumano, pinapanood lamang ng biktima ang grupo ng mga sundalo habang nagsasagawa ng repair sa day care center sa Bgy. Libertad nang biglang bigla silang paulanan ng bala ng mga rebelde.

Dito na tinamaan ang biktima ng bala na agad nitong ikinasawi.

Matapos ang pamamaril, agad na tumakas ang mga rebelde na tinutugis na ng mga rumespondeng sundalo.

READ  Kris Aquino to Sec. Piñol: Hindi naman kami nagnakaw

Source link

0 SHARE

Post Comments