15 patay mahigit 100 sugatan sa wild fire sa Northern California

     2 weeks ago
12
Leave a Comment
2 SHARE

Umabot na sa 15 katao ang patay sa malawakang wild fire sa Northern Calfornia.

Kabilang sa namatay ay ang 100-year old na si Charles Rippey at asawa nitong si Sara na isang 98 at mahigit na 100 katao naman ang itinakbo sa pagamutan matapos masugatan, makalanghap ng usok at napaso.

Halos buong bahagi ng Sonoma, Napa at Mendocino counties ang tinupok na ng apoy.

Ayon kay California Fire Director Ken Pimlott, na maraming tawag ang kanilang natanggap na naghahanap ng kanilang mga nawawalang kaanak.

Itinuring ng ibang residente na parang bomba na bigla na lamang may sumabog at mabilis na kumalat ang apoy.

READ  Davao VM Paolo Dutere at Atty. Manases Carpio, dadalo sa imbitasyon ng Senado

Maraming bahagi rin sa lugar ang nawalan ng suplay ng kuryente.

Kilala ang mga lugar sa taniman ng ubas at dito rin makikita ang mga malalaking pagawaan ng mga wine.

Source link

Post Comments