16-anyos na kapatid ni Nadine Lustre, nagpatiwakal

     2 months ago
224
Leave a Comment
0 SHARE

 

Kinumpirma na ng mga otoridad ang pagkamatay ng 16-anyos na kapatid na lalake ng aktres na si Nadine Lustre.

Ayon sa ulat ng QCPD, dalawang putok ng baril ang umalingawngaw sa bahay ng pamilya Lustre sa Silvina Village, Barangay Talipapa, sa lungsod ng Quezon gabi ng October 8.

Ito na pala ang kumitil sa buhay ng labing anim na taong gulang na nakababatang kapatid ni Nadine Lustre na si Isaiah.

Ayon sa impormasyon mula sa QCPD- Criminal Investigation and Detection Unit, pasado alas siyete ng gabi ng October 8 nang habang naglalaro ng iPad ang isa pang kapatid ng aktres na si Naomi ay nakarinig ito ng dalawang magkasunod na putok ng baril.

READ  Luzon Grid mananatiling naka yellow alert ayon sa NGCP

Natunton ni Naomi ang pinanggalingan ng putok sa kanilang banyo, kung saan tumambad sa kanya ang duguang katawan ni Isaiah.

Sa tulong ng isa pang kapatid na si Ezekiel at mga kapitbahay ay dinala pa sa Pacific Global Medical Center si Isaiah ngunit idineklara itong patay bandang alas nueve ng gabi.

Narekober mula sa pinangyarihan ng insidente ang kalibre trenta y otsong baril na ginamit ng binata sa pagbaril sa sarili.

Tumanggi na ang padre de pamilya ng Lustre na isailalim pa sa autopsy ang katawan ng anak.

Ayon umano dito, naniniwala siyang walang foul play sa naturang insidente.

Samantala, sa Instagram account ni Nadine ay nagpost ito ng mga patungkol sa depression katulad ng semicolon na kilalang simbolo para sa mga biktima ng depression at suicide at ang mga katagang “You are stronger than depression.”

READ  Konsehal at anak patay sa pamamaril sa Puerto Galera

Source link

0 SHARE

Post Comments