17 na bihag ng Maute, nailigtas sa Marawi

     3 weeks ago
21
Leave a Comment
0 SHARE

Labingpito pang bihag ang nadagdag sa bilang ng mga naisalba ng mga militar mula sa kamay ng teroristang Maute.

Ayon kay Department of Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, 9 sa mga nailigtas ay mga lalaki habang 8 naman ay mga babae.

Tinataya namang nasa 18 hanggang 75 ang edad ng mga na-rescue.

Tumanggi namang magbigay ng karagdagang detalye si Lorenzana kung paano at kailan nailigtas ang mga ito.

Matatandaang kamakailan ay 4 na panibagong bihag ng Maute terrorist group ang nailigtas ng tropa ng pamahalaan.

Dahil sa panibagong mga naisalba, nasa mahigit 20 na lamang ang mga bihag na tinatanyang naiwan sa mga Maute.

READ  'MAAMOY KO LANG, YOU'RE OUT'

 

 

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments