2-B danyos na hiling ng human rights victims noong Marcos regime, ibinasura ng CA

     2 months ago
41
Leave a Comment
44 SHARE

 

Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang apela ng mahigit 10,000 na human rights victims noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na singilin ng $2 bilyong danyos ang pamilya ng yumaong diktador.

Inapela kasi ng mga biktima na maipatupad ang desisyon ng US federal court noong February 1995 na bigyan ng $1.964 bilyon ang mga biktima ng martial law noong panahon ni Marcos.

Ayon sa desisyon ng CA, ang naturang desisyon ng Hawaii district court noon ay hindi “binding” dahil wala naman itong hurisdiksyon sa class suit na Class Action No. MDL-840 na may mga unnamed claimants.

Ayon pa kay CA Associate Justice Normandie Pizarro, ang kabiguan ng desisyong ito na pumasa sa standards ng kung ano ang maituturing na “valid judgment” sa Pilipinas ay sapat na para tanggihan nila ang pagpapatupad nito.

Dagdag pa ng CA, dahil sa ginawang tatlong kategorya sa mga claimants na “torture,” “summary execution,” at “disappearance of victims,” hindi ito maituturing na isang class suit.

Dahil anila dito, ang bawat claimant ng MDL 840 ay may karapatan lamang na mag-claim depende sa kaniyang naranasang damage o injury, at hindi para sa damage ng lahat ng mga kapwa niya claimants.

Paliwanag pa nila, sa isang class suit, lahat ng partido na magsasampa ng kaso para sa isa’t isa ay dapat pay iisang “common legal interest” na hindi nakita ng CA sa MDL 840. .

Source link

44 SHARE

Post Comments