2 bigtime Nigerian drug dealer nahuli ng PDEA

     2 weeks ago
54
Leave a Comment
0 SHARE

Naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang Nigerian nationals sa isang entrapment operation sa Kawit, Cavite kaninang madaling araw.

Sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ang nahuling sina Solomon Anochiwa at Desmond Ozoma na mga kasapi ng West African drug syndicate.

Nabatid na mga operatiba ng PDEA-Calabarzon ang nagsagawa ng drug bust operation alas 12:30 ng madaling araw sa Centennial Road sa bayan ng Kawit.

Nakumpiska sa dalawa ang tatlong plastic bags na naglalaman ng P6 Million halaga ng shabu.

Sinabi pa ni Aquino na ang dalawang banyaga ay nagpapakalat ng shabu sa Metro Manila, Calabarzon at Bicol region.

READ  Pagkakapatay sa mga natitirang 'Maute stragglers,' kanilang hiling - Army chief

Itinuro ang dalawa na source ng shabu ng mga drug personalities na naunang naaresto sa Naga City noong nakaraang araw ng Sabado.

Source link

0 SHARE

Post Comments