2 drug personalities, arestado sa loob ng hotel sa QC

     2 months ago
52
Leave a Comment
14 SHARE

 

Arestado ang dalawang katao sa isang buy bust operation na naka check in sa isang hotel sa new york cubao qc.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Rose Ann Lotero, 25 at Mark Cudia, 26 na nahulihan ng 9 na sachet na hinininalang naglalaman ng shabu.

Ayon kay QCPD Station 7 Deputy Commander Chief Inspector Mario Manipon, ilang buwan na umano nilang sinusubaybayan ang grupo ni Lotero na gumagamit ng hotel para maitagao ang bentahan ng shabu.

Sa kanilang ikinasang buy bust operation, natyempuhan nila ang mga suspek sa Wallnut Hotel sa New York road, Brgy. E. Rodriguez.

Sinabi pa ni Manipon na Si Lotero ay nito lamang Abril naaresto matapos mahuli sa isang pot session.

READ  WATCH: Estudyante ng UST, hinihinalang nasawi sa hazing

Maliban sa shabu nakuha rin sa mga suspek ang 500 pesos na buy bust money at cellphone na ginagamit umano sa transaksyon.

Nagbabala naman si Brgy. E. Rodriguez Capt. Marcialino Agua Jr. sa mga may-ari ng hotel na busisiin ng husto ang kanilang mga parokyano para hindi magamit sa ilegal na Gawain ang kanilang lugar.

Babala pa ng mga otoridad, posibleng makasuhan ang hotel owner.

Source link

14 SHARE

Post Comments