2 Fil-Am kabilang sa mga sugatan sa Las Vegas mass shooting

     2 months ago
18
Leave a Comment
3 SHARE

Dalawang Filipino-American ang sugatan sa pamamaril sa isang concert sa Las Vegas, Nevada na ikinamatay ng 59 katao at nagresulta sa pagkasugat ng 500 iba pa.

Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesperson Bobbie Bolivar, ang isang Fil-Am na nagtamo ng ankle sprain ay nakalabas na ng ospital.

Hindi naman tinukoy ni Bolivar ang pagkakakilanlan nito.

Samantala, ang isa naman ay nananatili pa rin sa ospital. Ani Bolivar at inaasahan ang mabilis na recovery ng biktima.

Batay sa isang report, ang Fil-Am na si Arthur Andrade Jr. ay naka-confine pa rin sa Sunrise Hospital and Medical Center matapos magtamo ng tama ng bala sa kanyang tyan.

READ  CEGP decries 'harassment, surveillance' of Bicol campus journos by security forces

Source link

3 SHARE

Post Comments