2 hinihinalang lasing, patay sa aksidente sa Zamboanga del Sur

     2 weeks ago
14
Leave a Comment
3 SHARE

Patay ang dalawang hinihinalang lasing matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa puno ng niyog sa Zamboanga del Sur, gabi ng Sabado.

Nakilala ng mga otoridad ang mga biktima na sina Elmer Balasi, 27 years old, at Dario Balasi, 23 years old, parehong residente ng Sitio Codilog, Barangay Poblacion.

Ayon sa mga imbestigador, naganap ang insidente bandang 7:30 ng gabi, sa Purok 2, Barangay Kagawasan sa bayan ng Dimataling.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na pauwi na ang dalawa sakay ng isang motorsiklo nang bumangga ito sa puno ng niyog sa kahabaan ng national highway sa Barangay Kagawasan.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, agad na namatay ang dalawang biktima na nagtamo ng malubhang sugat sa kanilang ulo.

READ  Chief Bato Tries to Raise the Spirits of the NPD Police Officers.Trending News Portal

Iniimbestigahan na ngayon ng mga pulis ang naturang insidente.

Source link

3 SHARE

Post Comments