2 Indian nat’ls na bahagi ng kidnapping group napatay sa Cavite

     3 months ago
24
Leave a Comment
0 SHARE

Pinoproseso na ngayon ng PNP-Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang cadaver ng dalawang kidnappers na mga Indian nationals na napatay matapos maka-engkwentro ang tropa ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG) sa Imus, Cavite kaninang alas-3:05 ng madaling araw.

Sinabi ni PNP-AKG director S/Supt. Glen Dumlao, kukunin nila sa SOCO team ang ilang mga personal ding kagamitan ng dalawang kidnappers na posibleng mapagkunan ng mahahalagang impormasyon.

“Kukunin pa lang namin sa SOCO. Nasa kanila kasi mga personal belongings pati wallet etc.,” pahayag pa ni Dumlao.

Pahayag pa ni Dumlao, isinagawa ang operasyon matapos mapaulat na may dinukot ang nasabing grupo na isa ring Indian national na kinilalang si Lalit Kumar na pinatay din ng mga suspek kahapon.

READ  Uber back on the road once it pays P190-M fine

Paliwanag pa ni Col. Dumlao, natagpuan ang bangkay ng biktima sa open canal sa boundary ng General Trias at Dasmarinas City, Cavite.

Bago ang operasyon, humihingi pa rin umano ng ransom na nasa P20 million ang mga suspeks at bumaba ito ng P10 million hanggang sa P750,000 na lamang

Ito na ang naging ugat para ilunsad ang operasyon ng mga otoridad sa bahagi ng Palanas Road  sa Barangay Anabu 1G, Imus, Cavite.

Source link

Post Comments