2 medalya at gift certificate, ibinigay ni Dela Rosa sa sugatang pulis

     5 months ago
49
Leave a Comment
32 SHARE

Ginawaran ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald dela Rosa ang isang pulis ng dalawang medalya at isang gift certificate para makabili ng bagong baril.

Ito’y matapos masugatan ang nasabing pulis na naka-talaga sa Marikina City, dahil sa pakikipagbarilan sa lalaking namaril sa isang lamay noong nakaraang linggo.

Personal na ibinigay ni Dela Rosa kay PO1 Hannie Acebron ang Wounded Medal Award at Merit Award ng PNP.

Kasama rin nito ang isang gift certificate para sa isang bagong .45 cal. na Glock pistol mula sa kumpanyang Trust Trade.

Nananatiling nasa PNP General Hospital ang 27-anyos na pulis dahil sa sugat na natamo nito sa binti.

Kabilang si Acebron sa mga pulis na rumesponde sa pamamaril ng suspek na si Roan Baranda na naganap sa Brgy. Marikina Heights noong Sabado, bago mag-hatinggabi.

Source link

32 SHARE

Post Comments