2 respondents sa hazing case ni Atio, hindi nagsumite ng kontra-salaysay

     2 weeks ago
26
Leave a Comment
4 SHARE

 

Mas pinili ng dalawa sa mga respondents sa kaso ng pagkamatay ng law student na si Horacio “Atio” Castillo na huwag munang magsumite ng kaniyang counter-affidavit,

Ito’y kahit pa tapos na ang itinakdang panahon para maisumite nila ang kanilang mga kontra-salaysay sa Department of Justice (DOJ).

Napag-alaman kasi nina John Paul Solano at Jason Adolfo Robiños na magsusumite pa ng mga supplemental complaints at mga karagdagang ebidensya ang kampo ni Castillo at ang Manila Police Distrcit (MPD).

Nais kasing isumite ng MPD ang mga resulta ng imbestigasyon ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa mga bodily fluids na kanilang nakalap sa library ng Aegis Juris Fraternity.

READ  Barbers sa mga narco-mayors: “Kabahan na kayo”!

Kinakalap na rin nila ang mga records ng phone records mula sa isang telecommunications company, at balak rin nilang isama na sa reklamo ang ama ni Ralph Trangia na isa sa mga respondents.

Samantala, kumukuha naman na ng kampo ng mga magulang ni Castillo ng transcript sa pagdinig sa Senado kamakailan tungkol sa kaso ng kanilang anak.

Ito ay upang masilip kung mayroon nga ba talagang pananagutan si UST Civil Law Dean Nilo Divina sa pagkamatay ni Atio sa kamay ng fraternity.

Source link

4 SHARE

Post Comments