20 patay, higit 100 sugatan sa pamamaril sa Las Vegas Strip; isa sa umano’y suspek napatay – reports

     2 months ago
31
Leave a Comment
6 SHARE

(Update) MANDALAY BAY, Las Vegas –Patay ang 20 katao habang higit 100 naman ang sugatan sa pamamaril sa isang concert sa Mandalay Bay Casino, Las Vegas.

Napaulat na biglang nagpaputok umano ang isang lalaki sa isang country music festival sa Mandalay Bay Hotel.

Daan-daang katao ang pinalikas mula sa lugar.

Maririnig din ang umano’y sunud-sunod na putok ng baril sa lugar, mula naman sa mga video na na-upload sa social media.

Batay sa ulat, sinabi ng mga pulis na nabaril-patay na ang isang suspek.

Maliban dito, napaulat din na may isa pang pamamaril malapit sa lugar.

Karamihan naman sa Las Vegas Strip ay binabantayan na ng mga pulis.

READ  ‘Kawawa naman ang mga pulis na handang ibuwis ang buhay para sa bayan’ – PAO Chief Persida Acosta Emotionally Defends PNP, Denies Pattern in Drug-Killings

Nabatid na nagsimula ang pamamaril bandang alas-10:30 ng gabi sa Las Vegas o ala-1:30 ng hapon sa Pilipinas.

Ibinahagi naman ng iba pang mga saksi, na daan-daang putok ang kanilang narinig.

Inilipat na ang ilang flight mula sa Las Vegas McCarran aiport habang nagpapatuloy pa rin ang clearing operations ng mga otoridad. (BBC)

Source link

Post Comments