20 sugatan sa nahulog na bus sa SLEX-Alabang

     3 weeks ago
57
Leave a Comment
13 SHARE

 

Nahulog ang isang bus sa northbound lane ng Alabang viaduct ng South Luzon Expressway pasado alas 6:00, Linggo ng hapon.

Sa impormasyon mula sa Manila Toll Expressway (MATES) , paakyat sa northbound lane ng Alabang viaduct ang Cher Transport Bus na may plakang TYX-504 nang mawalan ito ng control at tumagilid sa ‘at-grade level’ ng Alabang exit.

Sanhi ng aksidente, nasaktan ang hindi bababa sa 20 pasahero ng bus na agad na tinulungan ng mga rescue units mula sa SLEX-Mates.

Agad ring dinala ang mga pasahero sa ospital para sa kaukulang lunas.

Dahil sa aksidente, ilang oras na isinara sa daloy ng trapiko ang NB lane ng Alabang exit.

READ  British national expresses his thoughts towards Trillianes: "He embarrass the Philippines internationally"

Pasado alas 8:00 ng gabi nang tuluyang maalis ang naaksidenteng bus sa naturang lugar.

Source link

13 SHARE

Post Comments