2018 national budget, balak isumite sa SONA ni Duterte

     4 months ago
37
Leave a Comment
25 SHARE

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, isusumite ang panukalang pondo ng bansa para sa susunod na taon sa mismong State of the Nation Adress (SONA) ng pangulo.

Binabalak kasi ni Budget Sec. Benjamin Diokno na isumite na ang panukala para sa P3.76 trilyong budget ng bansa para sa 2018 sa July 24, kung kailan muling haharap si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko para sa kaniyang ikalawang SONA.

Ayon kay Diokno, ang pinakamalaking alokasyon para sa 2018 national budget ay ilalaan para sa edukasyon at imprastraktura.

Kabilang sa mga paglalaanan ng pondo para sa edukasyon ay ang maintenance at pagpapagawa ng mga paaralan, at pagdaragdag ng mga teaching at non-teaching personnel.

READ  2 medalya at gift certificate, ibinigay ni Dela Rosa sa sugatang pulis

Papatak naman sa P643.3 billion ang magiging pondo ng Department of Public Work and Highways, habang P73.8 billion naman sa Department of Transportation.

Inaasahang sasapat na ito para matugunan ang mga pangangailangan ng “Build, Build, Build” program ng pamahalaan.

Source link

25 SHARE

Post Comments