21-anyos na Fil-Am kabilang sa sugatan sa Las Vegas massacre

     2 months ago
24
Leave a Comment
3 SHARE

Kabilang ang isang Filipino-American sa mahigit na 520 na nasugatan sa pamamaril sa Las Vegas Strip.

Kasama ni Arthur “Arty” Andrade Jr, 21, ang kaniyang kasintahan na nanood sa Route 91 Harvest music festival.

Ayon sa kaniyang ama na si Arthur Sr, kasalukuyan pa ring nagpapagaling ang anak sa Sunrise Hospital and Medical Center matapos na magtamo ng tama ng bala ng baril sa kaniyang tiyan.

Kuwento nito na nasa bahay sila kasama ang dalawa pang anak na sina Nicolas Andrade, 22, at Alex, 24, nang makatanggap sila ng tawag sa telepono at sinabing nasugatan ang anak sa pamamaril.

The post 21-anyos na Fil-Am kabilang sa sugatan sa Las Vegas massacre appeared first on Bombo Radyo Philippines.

READ  US, binati ang Ph military sa pagkakapatay kina Hapilon at Omar Maute

Source link

Post Comments