22-anyos na IG celebrity, itinanggi na siya ang unang nakipag-chat kay Pacquiao

     3 months ago
61
Leave a Comment
0 SHARE

 

Lalong lumalim ang kontrobersiya sa likod ng pakikipag-palitan ng mensahe ni Senador Manny Pacquiao sa isang 22-anyos na Instagram celebrity makaraang itanggi ng huli na ito ang nagsimula ng usapan sa pagitan nilang dalawa ng mambabatas.

Matatandaang napilitang magpaliwanag ng 38-anyos na senador sa mga mamamahayag at sa publiko makaraang lumutang sa social media ang ipi-nost na mensahe nito sa Instagram livestream ng isang Arzaylea Rodriguez.

Umani ng negatibong reaksyon sa mga netizens ang pagbanggit ng ‘Hello’ ni Pacquiao sa 22-anyos na dalaga at pagtatanong ng mambabatas kung taga-saan ito.

Gayunman, giit ng senador na si Rodriguez ang naunang bumati sa kanya sa Instagram livestream kung kaya’t tumugon lamang ito sa ‘chat’ ng dalaga.

READ  'No ifs or buts, Duterte gov't must have protection strategy for Benham'

Gayunman, sa pinakahuling post ni Arzaylea Rodriguez, iginiit nitong hindi siya, kung hindi si Pacquiao ang nagsimula ng usapan sa kanilang dalawa.

“I definitely didn’t engage in conversation with him first.” Laman ng post ni Rodriguez.

Halos kasabay ng isyu kay Rodriguez, napansin rin ng mga netizens ang pag-post ni Pacquiao ng mensahe sa co-host ng Instagram vlog na ‘Chicks in the Office’ na si Maria Ciuffo na nagsasabing pwede siyang tawagan ‘anytime’ ng Amerikana.

Source link

0 SHARE

Post Comments