2nd SONA ni Pang. Duterte, magiging makatotohanan – Abella

     4 months ago
54
Leave a Comment
0 SHARE

“Frank, challenging, realistic but hopeful.”

Ganito inilarawan ni Presidential spokesperson Ernesto Abella ang kalalabasan ng ikalawang State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas.

Sa isang pahayag, sinabi ni Abella na tatalakayin sa SONA ang mga nagdaang achievements, sitwasyon sa ilang usapin sa bansa at mga nakalatag na plano sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Nakasalin sa salitang Ingles ang nakahandang talumpati kung saan aniya komportable ang Punong Ehekutibo.

Dagdag pa nito, kung babasahin ang talumpati nang deretso, posibleng tumagal ito ng mahigit 50 minuto.

At kung kasama naman ang mga palakpakan at ilang pagkilala, maaari naman aniyang tumagal ng 1 oras at 30 minuto ang talumpati ni Duterte.

READ  Sarangani mayor na iniugnay sa 'drug matrix,' sumuko kay Pacquiao

Samantala, sinabi rin ng opisyal na maaaring makita ang buong transcription ng buong report ng pangulo online pagtapos ng kaganapan.

Source link

0 SHARE

Post Comments