3 na patay, 44 sugatan sa gumuhong water tank sa Bulacan

     2 months ago
30
Leave a Comment
2 SHARE

Pumasok na sa imbestigasyon ng bumagsak na tangke ng tubig ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa San Jose del Monte, Bulacan.

Ayon kay Mayor Arthur Robes, mismong siya na ang humiling sa DPWH na magsagawa ng malalimang pag-aaral sa structural integrity issue, habang ang Philippine National Police naman sa tatlong nasawi at 44 na nasugatan.

Hiniling din ng alkalde sa publiko na iwasan muna ang paglalabas ng mga impormasyong hindi validated na maaari pang makagulo sa imbestigasyon.

“Asahan niyo po na ginagawa ng lokal na pamahalaan ang lahat nating makakaya upang makatulong. Iniimbistigahan na din po ang sanhi ng pangyayaring ito. Sama sama po tayong manalangin,” wika ni Robes.

READ  4 na miyembro ng pamilya, patay sa dump truck sa Camarines Norte

Una rito, marami ang nagulantang nang bumagsak ang malaking tangke ng tubig sa lugar pasado alas-3:00 ng madaling araw kung saan umabot sa mahigit 30 bahay ang naapektuhan.

Nakilala ang mga nasawi na sina Jimmy Garcia, 50; Elaine Chamzon, 22; at Jaina Espina, isang taong gulang.

Ang police station at mobile patrol ay kasamang napinsala sa pangyayari.

Maging ang mga kalsada ay hindi madaanan dahil sa nagkalat na debris ng tangke, pati na ng iba pang natangay ng tumapong tubig.

Source link

Post Comments