3 na patay sa Caribbean dahil sa supertyphoon Irma; 90% sa Barduda island, wasak

     3 months ago
30
Leave a Comment
0 SHARE

(Update) Tatlo na ang naitalang patay sa pananalasa ng Hurricane Irma sa French island territories sa Caribbean, kung saan nag-iwan ng matinding pinsala.

Sinabi ni French President Emmanuel Macron na lubhang naapektuhan ang St. Martins at St. Barts kung saan bukod sa maraming mga gusali ang nasira at malawakang pagbaha ay tatlong katao na ang patay.

Patuloy naman ang ginagawang pagtaya ng kanilang overseas affairs minister sa ibang mga pinsala ng nasabing bagyo.

Samantala mahigit naman sa 90 porsyento ng mga gusali ang nasira sa isla ng Barbuda.

Kasalukuyang hinahagupit na ng Category 5 na “Irma” ang Puerto Rico kung saan aabot sa mahigit  200 mph ang taglay na lakas nito.

READ  Takaw Pansin Si Nadine Lustre Sa Concert Ni Ariana Grande Dahil Sa Kanyang Itsura!

Sa kabilang dako, nagpatupad na rin ang mga opisyal ng 36-oras na curfew sa estado ng Amerika na Florida habang hinihintay nila ang pag-landfall ng Hurricane Irma sa mga susunod na araw.

All set na rin ang major evacuations sa mga residente sa lugar.

Ayon naman sa Philippine Embassy sa Washington, nasa 150,000 mahigit ang Filipino population sa Florida.

Habang sa ilang Carribbean Islands na dadaanan ng hurricane ay merong mahigit 3,600 na mga Pinoy.

Source link

Post Comments