3 patay nang araruhin ng isang trak ang ilang sasakyan sa QC.

     2 months ago
36
Leave a Comment
12 SHARE

(Breaking news) Tatlo ang patay samantalang marami ang sugatan makaraang mawalan ng preno at araruhin ng isang malaking trak ang ilang mga sasakyan sa bahagi ng San Mateo Road malapit sa Batasan sa Quezon City.

Patay on-the-spot ang hindi pa pinapangalanang biktima na umano’y kawani ng Bureau of Fire Protection samantalang dalawa naman ang patay sa ospital.

Sa paunang report ng mga otoridad, galing sa Batasan Road at tinatahak ng nasabing trak na may plakang PUW 454 ang pababang bahagi ng lansangan ng ito ay mawalan ng preno.

Kabilang sa kanyang mga binangga ay tatlong pribadong sasakyan at isang pampasaherong jeepney na may plakang AEH 792.

READ  Senator Trillanes nagsampa ng kasong libelo laban kay ‘Thinking Pinoy’ blogger RJ Nieto

Hindi pa batid ng mga otoridad kung mayroon pang ibang nasa ilalim ng naturang trak dahil punong-puno ito ng malalaking mga bakal na ginagamit sa pagtatayo ng mga gusali.

Kabilang naman sa mga sugatan ang mismong tsuper ng trak na hanggang ngayon ay hindi pa rin batid ang pangalan.

Ang mga sugatan sa aksidente ay isinugod sa Saint Matteus Hospital sa Brgy. Banaba San Mateo Rizal at Gen. Malvar Hospital sa Commonwealth Ave. sa QC.

Naglabas naman ng advisory ang Metro Manila Development Authority at ang QCPD sa publiko na iwasan muna ang pagdaan sa lugar ng aksidente dahil on-going ang imbestigasyon at clearing operation sa lugar.

READ  'Self-confessed bag man' ng drug group, kakasuhan sa pagdawit kina Roxas, Drilon - lawyer



Source link

12 SHARE

Post Comments