3 patay sa salpukan ng motorsiklo at owner-type jeep sa Silang, Cavite

     2 weeks ago
7
Leave a Comment
3 SHARE

 

Tatlo katao ang nasawi sa salpukan ng motorsiklo at owner-type jeepney sa bayan ng Silang, Cavite, Huwebes ng gabi.

Patay lahat ang ng lulan ng motorsiklo makaraang mabangga ng owner-type jeepney sa kahabaan ng Bgy. Biga Uno dakong alas 8:30 ng gabi.

Sa inisyal na ulat, minamaneho ng suspek na si Alex Rañola ang jeep sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa kasagsagan ng malakas na ulan nang masalpok nito ang kasalubong na motorsiklo lulan ang tatlong biktima.

Dahil sa lakas ng banggaan, nasawi ang mga biktimang sina Francis Avila, Emerson Reyes at Sunny Llorico na pawang mga lulan ng motorsiklo.

READ  Kaso ni De Lima sa NBI lumakas matapos aminin ang relasyon kay Ronnie Dayan

Patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing aksidente.

 

Source link

3 SHARE

Post Comments