3 sugatan sa bangaan ng dalawang bus sa EDSA

     3 months ago
28
Leave a Comment
3 SHARE

Tatlo ang sugatan matapos magbanggaan ang dalawang bus sa kahabaan ng EDSA-Orense sa Makati.

Sangkot sa aksidente ang isang Nova Bus at isang Nafti bus na umano’y nagkakarera sa kahabaan ng EDSA kaya nagbanggaan.

Wasak ang windshield ng Nafti Bus habang tama naman sa likod ng bus ang tinamo ng Nova Bus.

Ayon sa MMDA Road Emergency Group, kabilang sa mga nasugatan ang isang babaeng pasahero at dalawang lalaki kabilang ang driver ng bus.

Nagtamo ang mga ito ng minor injuries at agad dinala sa ospital.

Nagdulot naman ng matinding traffic sa northbound lane ng EDSA ang nasabing aksidente.

READ  Net satisfaction rating ng Duterte administration, bumaba ng 5 puntos, pero nanatiling ‘very good’

 

 

 

 

 

 

 

Source link

3 SHARE

Post Comments