3 sugatan sa magkasunod na pagsabog nitong umaga sa Maguindanao

     3 months ago
18
Leave a Comment
0 SHARE

MAGUINDANAO – Ginulantang ng magkasunod na pagsabog ang probinsya ng Maguindanao nitong umaga lamang.

Nakilala ang mga sugatan sa pangalang Sgt. Came ng Phil. Army, PO2 Pendililang at Brgy. Kapitan Pindatun Sinsuat.

Naganap ang unang pagsabog dakong akas-7:20 ng umaga sa Barangay Semba, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.

Nang magresponde ang mga pulis, sundalo at mga barangay officials, sumabog naman ang pangalawang bomba na nasa 30 metro ang layo sa unang pagsabog.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ang dalawang improvised explosive device (IED) na ginamit ay gawa sa pako, black powder, mga wirings at cellphone bilang triggering mechanism.

Marami ang naniniwala na posibleng target sa pagsabog ang convoy ng mga sundalo dahil daanan ito papasok ng 6th ID Training School.

READ  Dela Rosa, mananatiling PNP Chief-Duterte

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng militar at pulisya sa magkasunod na pagsabog sa Maguindanao at kung sino ang nasa likod at motibo sa pangyayari.

Source link

Post Comments