3 sundalo patay, higit 50 sugatan sa IED blast sa Marawi sa Eid’l Adha

     3 months ago
38
Leave a Comment
0 SHARE

CAGAYAN DE ORO CITY – Nadagdagan na naman ang bilang ng mga sundalong nasawi sa mahigit 100 araw nang bakbakan sa Marawi City.

Ito’y matapos tatlong sundalo ang kumpirmadong patay habang 52 ang sugatan matapos masabugan ng improvised explosives device (IED).

Nagsasagawa umano ng clearing operation ang mga sundalo nang mangyari ang insidente at pinabulaanan ang report na namatay ang mga ito sa matinding engkuwentro sa pagitan ng kanilang tropa at ng Maute Group sa bisperas ng Eid’l Adha.

Una nang inamin ng Armed Forces of the Philippines na pahirapan sa kanilang ang clearing operation dahil sa mga IED na nakatanim sa loob ng battle zone.

READ  Jake Zyrus, Tuwang-tuwa Sa Pagkikita Nila Ng Kanyang Kapwa Transgender Na Si Joey Mead King!

Sa pinakahuling record ng militar, nasa 800 na ang napatay sa higit tatlong buwan na bakbakan sa pagitan ng dalawang grupo sa Marawi City.

The post 3 sundalo patay, higit 50 sugatan sa IED blast sa Marawi sa Eid’l Adha appeared first on Bombo Radyo Philippines.

Source link

Post Comments