3 suspek sa pagsaksak at pagnanakaw sa casino dealer ng City of Dreams, naaresto

     2 weeks ago
17
Leave a Comment
2 SHARE

Nagtuturuan na ang dalawa sa tatlong suspek na nagtangkang patayin at pagnakawan ang isang babaeng casino dealer sa Makati City noong nakaraang Lunes, October 9, 2017.

Ayon kay Makati Police Chief Sr. Supt. Gerry Umayao, kailangan pa nilang paghiwalayin ng kulungan ang mga suspek na sina Ronald Daca Jr. at Kato Kawamura para maiwasan na magkasakitan ang mga ito.

Nagtuturuan ang dalawa sa pagsaksak kay Arianne Cleto, 29-anyos, sa loob ng bahay nito sa Barangay Rizal, Makati City.

Ang ikatlong suspek ay nakilalang si Excel Bangal.

Samantala, hinihintay na rin lang ang sinumpaang-salaysay ng biktima para madiin ang mga suspek.

READ  Japan pledges 6 new patrol vessels, $1.1-billion aid for Vietnam

Ibinahagi ni Umayao na si Cleto ay bumubuti naman ang kalagayan sa Ospital ng Makati.

Pinasok ng mga suspek ang biktima sa bahay nito at matapos pagsasaksakin ay tinangay ang ilang personal na gamit.

 

 

 

 

 

 

Source link

2 SHARE

Post Comments