33 pasahero sugatan; pumalpak na GPS, sanhi nang pagbangga ng barko sa Romblon?

     3 months ago
25
Leave a Comment
4 SHARE

KALIBO, Aklan – Dahil sa pumalpak umano na global positioning system (GPS) kaya’t sumalpok ang barkong M/V Maria Matilde ng Montenegro Shipping Lines, Inc., sa bahagi ng isang isla ng Calatrava sa Romblon pasado alas-5:00 kaninang madaling araw.

Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG)-Romblon, umaabot sa 33 katao ang nasugatan sa insidente matapos na tumilapon dahil sa lakas nang pagsadsad ng barko.

Patungo sana ang barko sa Romblon Port mula sa Odiongan Port upang magbaba ng ilang pasahero galing sa Batangas.

Sinasabing nakarinig ng tila pagsabog ang ilang pasahero at nang tingnan ay bumangga pala ang kanilang sinasakyang barko sa bahagi ng isla.

READ  AFP nabawi na ang Maute-ISIS strongholds Bato Mosque, JIMF

Sa impact ng pagbangga ng barko, nayupi ang unahang bahagi nito at isang kargang sasakyan ang nasira.

Dakong alas-7:00 naman kaninang umaga ay nakadaong na ang barko sa Romblon Port.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PCG-Romblon sa pangyayari.

Source link

Post Comments