35 mga baril, eksplosibo narekober sa hotel at bahay ng suspek sa Las Vegas massacre

     3 months ago
32
Leave a Comment
0 SHARE

Higit 35 na mga armas at eksplusibo ang natagpuan ng mga otoridad sa mga gamit ng gunman na sa nangyaring shoot out incident sa Mandalay Bay Hotel, Las Vegas, Nevada sa Amerika.

Kung saan, mayroong 17 na mga baril at armas ang narekober mula sa kanyang kwarto sa 32nd floor ng nasabing hotel.

Habang higit 18 na mga armas, eksplusibo, at umano’y libo-libong rounds ng ammo ang natagpuan sa kanyang bahay, ayon kay Sheriff Joe Lombardo.

Dagdag pa nito, ilang electronic devices din ang na-retrieve ng kanilang hanay na kasama na sa mga ini-imbestigahan.

Una rito, 59 na ang patay at 500 ang sugatan matapos mamaril ang suspek na si Stephen Paddock, 64, sa gitna ng isang music festival, kung saan nagpakamatay din ito matapos ang insidente.

READ  Houston races to rescue flood victims before storm’s return

Source link

Post Comments