4-anyos minolestiya ng pastor na lolo

     3 months ago
32
Leave a Comment
0 SHARE

Inireklamo ng pangmomolestya ang isang lolo na dating pastor sa block 44, Brgy San Juan, Taytay, Rizal makaraan nitong abusuhin ang kanyang sariling apo.

Ayon kay Russel na tiyahin ng biktima, nanahimik sa isang tabi ang kanyang pamangkin na apat na taong gulang ng bigla itong ikulong sa kuwarto ng sarili nyang lolo na lango sa alak.

Gabi ng September 5 nangyari ang pangmomolestya pero September 7 pa ito napag-alaman dahil natakot daw magkwento ang bata.

Paliwanag ng pa ng tyahin, sa loob ng tatlong oras na pagkukulong sa kwarto ng pamangkin, hindi nila agad naisip na minomolestya na pala ito dahil inisiip nila na nakikipaglaro lamang ito sa matanda.

READ  Pro-Duterte groups nagtipun-tipon na rin sa sa Plaza Miranda

Nalaman lang daw nila na minolestya ito nang nakitaan nila ito ng pagkabagabag dahil ayaw nito maiwan ng mag-isa sa bahay.

Sinabi raw sa kanya ng bata na pinasok ng kanyang Lolo ang gunting sa kanyang ari at masakit na masakit raw ang kanyang tiyan.

Napansin din daw nila na nag ika-ika ang lakad nito at nawalan ng gana kumain.

Galit na galit naman ang ina ng bata na si Angel sa sinapit ng kanyang anak at sinabing kung maari lamang magpapatay ng tao ay ipapapatay na niya ang suspek.

Sa ngayon dinala na sa Women’s and Children Protection Desk ng Taytay Police Station ang bata at isasailalim na sa medico legal.

READ  CHR warns Duterte gov’t’s use of drug boxes, drug-free stickers might lead to mistaken arrests, discrimination | News5

Sasampahan naman ng kasong rape ang suspek.

Source link

0 SHARE

Post Comments