4 arestado sa kasagsagan ng pot session sa Brgy. Krus na Ligas, QC

     2 weeks ago
11
Leave a Comment
0 SHARE

Arestado ang apat na katao matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsasagawa ng pot session sa Tiburcio Ext., Brgy. Krus na Ligas sa Quezon City kagabi.

Kabilang sa naaresto ang anim na buwang buntis na si Mary rose Maquinad, 30-anyos; mga kasama nitong sina Jason Gagarin, 29; Jonathan Guian, 29; at Eduardo Fernandez, 57.

Nakuha sa mga suspek ang apat na sachet ng shabu, mga aluminum foil na may bakas ng shabu, at isang glass pipe na may residue ng bawal na gamot.

Naaresto ang apat sa isinagawang anti-illegal drugs operation ng Station Drugs Enforcement Unit ng Quezon City Police District-Anonas Station.

READ  Sina dating Sen. Jamby Madrigal at Congw. Len-Len Alonte, ang nagtangkang manuhol sa Bilibid inmates ayon kay Aguirre

Aminado naman ang buntis na si Maquinad na gumagamit sila ng iligal na droga nang pasukin sila ng mga pulis.

Source link

0 SHARE

Post Comments