4-yrs. after Zamboanga siege: Mamamayan katarungan pa rin ang hinahanap

     3 months ago
10
Leave a Comment
0 SHARE

ZAMBOANGA CITY – Hustisya pa rin ang hinihintay ng mga Zamboangueno sa paggunita ngayong araw sa ika-4 na taong anibersyo ng hindi malilimutang pag-atake ng mga rebeldeng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.

Inihayag ni city Mayor Maria Isabelle Climaco na hindi pa rin daw nawawalan ng pag-asa ang lokal na pamahalaan ng lungsod at ilalaban nila ang kaso hanggang sa huli.

Ito ay sa kabila ng ulat na inaprubahan na umano ng korte ang hinihiling na plea-bargaining agreement para sa natitirang 133 mga MNLF detainees na sinampahan ng mga mabibigat na kasong rebelyon at paglabag sa international humanitarian law na hindi sinang-ayunan ng lungsod.

READ  Husband Asks Raffy Tulfo 's Help After Claiming His Brother-in-Law Disallowed Him To Attend His Deceased Wife’s Funeral!

Sinabi naman ng legal officer ng siyudad na si Jesus Carbon na dadalhin ng local government ang kaso sa higher courts para humiling na ipagpatuloy ang kaso.

Kasama sa sinampahan ng nasabing kaso ay si MNLF founding Chairman Nur Misuari na siyang itinuturong mastermind na nag-utos daw ng pag-atake sa Zamboanga City na nanatiling malaya hanggang ngyaon.

Sa ngayon ay patuloy ang umano’y paghihirap ng mga pamilya na direktang naapektuhan sa nasabing pag-atake na nawalan ng mga bahay at ari-arian.

“The case is at a standstill because our judge there has already approved the plea-bargaining agreement with respect to 133 accused, and we moved for reconsideration and that is pending now,” pahayag pa ni Carbon.

READ  Dyosa Challenge Sa Kasuotan? Nadine Lustre O Marian Rivera?

Samantala, dakong hapon ay pangungunahan ni Mayor Climaco ang isasagawang wreath laying sa memorial marker sa may Rizal Street para sa 38 mga nasawi sa Zamboanga siege.

Sa 21 araw ng sagupaan na nagsimula madaling araw noong Septyembre 9, 2013, umabot sa 38 ang nasawi kabilang na dito ang 20 mga sundalo, limang mga pulis at 13 naman mula sa mga inosenteng sibilyan.

Pagkatapos nito ay isasagawa naman ng pamahalaang panglungsod ang isang commemorative program.

Source link

Post Comments