40 inmates na tumakas sa Cotabato jail, naibalik na

     11 months ago
104
Leave a Comment
34 SHARE

Umakyat na sa 40 bilanggo ang naibalik sa kulungan matapos salakayin ng grupo ni Kumander Derby ang Cotabato District Jail sa Barangay Amas, Kidapawan City.

Sa nasabing bilang, 24 na preso ang pinakahuling naaresto sa Barangay Bangilan, Kabacan, North Cotabato, sa pangunguna ni Mayor Herlo Guzman Jr., Kabacan chief of police, at Senior Inspector Ronnie Cordero, Philippine National Police-12 Public Safety Company, 7th IB at Kabacan MPS.

Una rito, tumanggap ng ulat si Mayor Guzman sa mga inmates na nagtatago sa Barangay Bangilan na kabilang sa mga tumakas mula sa Cotabato District Jail.

Kaagad naglunsad ng operasyon ang pulisya at militar kung saan hinuli ang mga pumuga.

READ  Bahay ng mayor sa So. Cotabato ni-raid; alkalde umalma, wala raw search warrant

Sa ngayon ay umaabot na sa walo ang nasawi sa nagpapatuloy na crackdown operation laban sa grupo ni Kumander Derby at sa mga presong tumakas sa Cotabato District Jail.

Post Comments