40 katao, arestado dahil sa pag-iinuman sa kalsada sa Quezon City

     2 weeks ago
11
1 Comment
10 SHARE

Nasa apatnapung katao, kabilang ang apat na kababaihan, ang inaresto ng mga otoridad dahil sa pag-iinuman sa mga pampublikong lugar sa lungsod ng Quezon, bilang bahagi ng Anti-Criminality Operation ng Quezon City Police Station 10.

Ayon sa hepe ng Drug Enforcement Unit ng QCPD Station 10 na si Senior Inspector Felipe Fermin Jr., ginanap ang naturang operasyon sa mga lugar ng Laloma, Apolonio Samson, Santo Domingo, Manreza, at Kaingin Bukid.

Nahuli rin ang isang menor de edad dahil sa pananatili sa kalye bagaman oras na ng curfew.

Ayon pa kay Fermin, titingnan nila ang mga record sa pulis at barangay upang malaman kung mayroon bang kasong nakasampa laban sa mga naaresto.

READ  Pagbuo ng bagong security stratery sa Mindanao, hiniling ng isang mambabatas sa DND at PNP

Dagdag pa ng opisyal, papakawalan muna ang mga unang beses pa lamang nahuli dahi sa pag-inom sa kalsada, ngunit ikukulong na ang mga pangalawa o mahigit pang beses na nahuli dahil sa kaparehong sala.

Ang mga magulang naman ng nahuling menor de edad ang ikukulong kung ito na ang ikatlong beses na nahuli ang binata.

Source link

10 SHARE

Post Comments