5 ang patay, 24 sugatam sa salpukan ng dalawang pampasaherong van sa Cagayan

     2 months ago
34
Leave a Comment
0 SHARE

Patay ang limang katao habang sugatan ang dalawampu’t apat na iba pa makaraang magsalpukan ang dalawang pampasaherong van sa bayan ng Amulung sa lalawigan ng Cagayan.

Naganap ang aksidente sa national highway sa Barangay Baculud, Linggo ng umaga, kung saan pawang idineklarang dead on arrival ang limang nasawi na nakilalang sina Reynaldo Tolentino, Erlinda Doran, Marivic Battung, Florida Sales at Hermilita Cadiz.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Amulung police station, patungo sa Baggao, Cagayan ang van na minamaneho ni Romtum Bartolome at may temporary plate number na 024406 nang ito ay mag-overtake.

Paparating naman ang isa pang van na minamaneho ni Mario Danao at may plakang 020405 na galing Aparri at patungong Tuguegarao dahilan para magkabanggaan ang dalawang pampasaherong sasakyan.

READ  Beyonce, bibida sa remake ng 'The Lion King'

Maliban sa limang nasawi, nasa 24 na pasahero pa ang ginagamit sa ospital na kinabibilangan ng mga sumusunod:

• Samsung Catolus Sr.
• Samsung Catolus Jr.
• Marites Baril
• Kerby Baril (8 years old)
• Kim Baril (5 years old)
• Katherine Rodriguez
• Dona Llenilo
• Jonathan Dubaran (7 years old)
• Jerico Soliman
• Mary Ann Delcon
• Izelle Natividad
• Zenaida Gammad (60 years old)
• Mario Danao – (driver ng isa sa mga sangkot na van)
• Jenifer Guiterring
• Maricris Anziya
• Anziya
• Jonito Sarayna
• Laura Bartolome
• Jonathan Duran (8 years old)
• Princess Sadanan (2 years old)
• Rostume Bartolome (driver ng isa sa mga van)
• Louie May Sorita
• Sorita Mae Pacencia
• John Sedric Solina (1 year old)

READ  Halos 9,000 pasahero, stranded dahil sa bagyong Auring

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

 

 

Source link

0 SHARE

Post Comments