5 Calabarzon mayors inalisan ng police power

     2 weeks ago
426
Leave a Comment
64 SHARE

Inalisan ng kapangyarihan sa pulisya ang limang mayor mula sa Calabarzon region.

Alinsunod ito sa inilabas ng National Police Commission (Napolcom) resolution  number 2017-570 may kinalaman sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga ang ilang alkalde sa bansa.

Agarang ipatutupad ang resolusyon na aprubado ni Department of Interior and Local Government (DILG) Officer-in-Charge Catalino Cuy.

Tinanggalan ng kontrol at operational supervision sa pulisya sina Mayor Eulalio Alilio ng Lemery, Batangas; Antonio Halili ng Tanuan, Batangas; Loreto Amante ng San Pablo City, Laguna; Cecilio Hernandez ng Rodriguez, Rizal at Raul Palino ng Teresa, Rizal.

READ  Cesar Montano, inireklamo dahil sa iregularidad

Si Halili ay kilala bilang alkalde na galit sa mga taong nasa likod ng sindikato ng droga.

Sa command conference noong August 7, inatasan ni Duterte ang Napolcom na tanggalan ng kapangyarihan sa pulisya ang limang alkalde.

Source link

64 SHARE

Post Comments