5 patay, mahigit 20 sugatan sa banggaan ng dalawang passenger van sa Cagayan

     3 months ago
35
Leave a Comment
0 SHARE

TUGUEGARAO CITY – Patay ang limang katao sa banggaan ng dalawang pampasaherong van sa Brgy Baculud, Amulung.

Nakilala ang mga nasawi na sina Reynalda Tolentino, Marivic Battung, Hemelita Cadiz na pawang residente sa bayan ng baggao na sakay sa Isuzu passenger van na minamaneho ni Rustom Bartolome.

Dead on arrival din sa pagamutan ang dalawang pasahero ng Toyota Hi-Ace van na minamaneho ni Mario Danao ng Brgy. Redondo, Iguig na sina Erlinda Doran at Floraida Sales na kapwa residente ng Alcala, Cagayan

Sugatan naman ang mahigit 20 pasahero ng dalawang sasakyan na kinabibilangan ng dalawang driver na nilalapatan ng lunas sa pagamutan

READ  Duterte: Hindi ko kayo tinatakot pero maghanda sa terorismo

Sa panayam ng Bombo Radyo Tuguegarao, sinabi ni Bartolome na pumutok ang gulong sa likod ng kaniyang minamanehong van na papuntang bayan ng baggao mula dito sa lungsod ng tuguegarao

Dahil dito, nawalan umano siya sa kontrol ng manibela kung kayat pumasok ito sa kabilang linya at bumangga sa kasalubong na van na papunta sa tuguegarao mula naman sa bayan ng aparri

Nayupi ang tagilirang bahagi ng van na minamaneho ni Bartolome habang wasak ang harapang bahagi ng van ni Danao.

Source link

Post Comments