5,000 AK-47 rifles galing Russia, parating na – Duterte

     1 week ago
18
Leave a Comment
3 SHARE

Inianunsyo ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na parating na ang ilang libong units ng Kalashnikov o kilala din bilang AK-47.

Ang AK-47 ay isang “selective-fire, gas-operated assault rifle” na nilikha ni Mikhail Kalashnikov sa Soviet Union.

Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa harapan ng mga sundalo sa ground breaking ceremony ng housing project para sa mga Scout Ranger sa San Miguel, Bulacan.

Sinabi ni Pangulong Duterte, nasa 5,000 na Kalashnikov ang parating na sa bansa para magamit ng mga sundalo laban sa terorismo.

“As part of the… ‘Yung dala ko galing Russia, pumunta kami almost just below 24 hours. We will have the Kalashnikov so it’s just a matter of using the — memory lang ‘yan, 5,000. So ‘yung ‘pag 5,000 sa inyo, ang baril siguro Kalashnikov na. Mag-aral na lang kayo ng Russian para makumpleto niyo,” ani Pangulong Duterte.

READ  Marawi crisis patapos na; Parojinog, ilang Mindanao politicians at drug lords, 'financier' sa ISIS-Maute attack - Duterte

Samantala sa ambush interview kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, inihayag nitong darating na sa bansa ngayong Oktubre 22 ang 5,000 units ng AK-47 at 20 army truck.

Pawang “brand new” daw ang mga kagamitang libreng ibinigay ng Russian government bilang tulong sa Pilipinas sa paglaban sa terorismo.

Source link

Post Comments