6 na barkong may hakot na raliyista mula Mindanao at Visayas, hindi totoo – Bato

     3 months ago
42
Leave a Comment
21 SHARE

Negatibo ang ulat ng pagdating ng anim na barko mula sa Visayas at Mindanao na sakay ang mga hakot na dadalo sa kilos protesta ngayong araw.

Ayon kay PNP Chief Ronald “Bato” Dela Rosa, base sa kanilang monitoring ay wala namang anim na barkong dumating na may kargang raliyista at normal naman ang sitwasyon ngayon sa mga pantalan.

Dagdag pa ng hepe ng PNP, walang kakaibang movement ng barko mula Visayas at Mindanao ang papunta sa Maynila.

Matatandaang kahapon sinabi ni Dela Rosa na may anim na barko silang binabantayan na may hakot umano na mga ra-rally.

Pero Itinanggi naman ito ni NCRPO Chief Oscar Albayalde at sinabing wala silang alam tungkol dito.

READ  Sass hits Lourd de Veyra: 'You should first gain some historical perspective'

Source link

21 SHARE

Post Comments