71 anyos na pedopilya, arestado sa Makati

     1 week ago
30
Leave a Comment
5 SHARE

Naaresto ng Makati City police ang 71-anyos na pedopilya na kumukuha ng serbisyo ng mga menor de edad.

Isa-isa nang lumulutang sa Makati City Police station ang iba pang biktima ng negosyante na kinilalang si Elias Cosme.

Inakusahan si Cosme na nagbabayad ng mga High School student para mairaos ang kamunduhan.

Ayon kay Makati City Police chief Sr. Supt. Gerry Umayao may mga iba pang biktima na nagsabi na magsasampa sila ng hiwalay na reklamo laban kay Cosme, ng Barangay Poblacion, sa lungsod.

Naaresto si Cosme sa One Central Condominum sa Salcedo Village, Makati City matapos dumulog sa kanila ang 15-anyos na biktima, kasama ang kanyang nanay.

READ  WATCH: Gov. Imee Marcos, nanindigan na ligal ang cash advance na pinambili ng mga sasakyan ng lalawigan

Nalaman ng ina ang kaugnayan ng anak kay Cosme nang malaman na kumalat na sa social media ang mga malalaswang larawan nito.

Iniharap na rin sa inquest prosecutor si Cosme dahil sa mga paglabag sa Child Protection Act.

 

 

 

 

 

 

Source link

5 SHARE

Post Comments