8-mos. special operations: Prevendido nilagyan ng langis ang hideout, SWAT gumamit ng drone

     3 months ago
96
Leave a Comment
0 SHARE

ILOILO CITY – Nahirapan umano ang mga miyembro ng SWAT team sa pagpasok sa inuupahang bahay ng drug lord na si Richard Prevendido kagabi sa Balabago, Jaro, Iloilo City.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni Iloilo Provincial Police Office director S/Supt. Marlon Tayaba na tumayong ground commander sa pagpapatupad ng “COPLAN Bato Bantiling Charlie,” walong buwan na binuo ang matagumpay na operasyon.

Nag-recruit daw sila ng tauhan mismo ni Prevendido para magkaroon ng access sa drug lord at makakuha ng impormasyon.

Gumawa rin aniya sila ng operational research kung saan inalam ang lahat na ari-arian ni Prevendido at mga kamag-anak nito na maaring pagtaguan nito.

Kabilang sa mga pinagtaguan nito ay ang beach resort sa San Joaquin, Iloilo; rest house sa Daragan, Buenavista, Guimaras; breeding farm sa Anilao, Iloilo; isang bahay sa subdivision sa Pavia, Iloilo.

READ  Pagbabalik ng anti-drug war sa PNP, hindi agaran - Palasyo

Nagtago rin ito sa bayan ng Oton, Iloilo; Dumarao, Capiz; Buenavista, Guimaras; bayan ng Dumangas, Janiuay at Lambunao sa Iloilo.

Mahirap na hulihin ayon kay Tayaba si Prevendido dahil napakarami nitong lookouts at may inaalagaan pang Aeta community na tumutulong din daw sa kaniya.

Pero nangyari ang “breakthrough” noong Abril ng taong kasalukuyan nang isang sibilyan ang nagbigay ng impormasyon na nasa Jaro si Prevendido na kinumpirma naman ng tauhan ng drug lord.

At nitong Biyernes nga ng gabi ay isinagawa ang operasyon ngunit bago nito kailangan pa umanong magpalipad ng drone ng operating team para makumpirma na nasa bahay si Prevendido.

READ  Free Tuition, pa-ospital at gamot ngayong 2017 - Duterte admin

Wala aniyang cellphone na ginamit at tanging ang apat na lider lang ng police operation ang may komunikasyon.

Sinabi ni Tayaba na may bumaligtad at nalaglag sa hagdan na mga pulis habang ginagawa ang operasyon dahil nilagyan ni Prevendido ng langis ang sahig at hagdan ng inuupahan nitong bahay.

Natuklasan na apat na buwan nang nananatili si Prevendido sa nasabing bahay bagama’t wala kahit isa sa mga kapitbahay nito ang nakakaalam na ang drug lord ang nagtatago sa dalawang palapag na bahay.

Source link

Post Comments