8 sugatan sa pagtagilid ng pampasaherong jeep sa Pasig City

     3 months ago
26
Leave a Comment
0 SHARE

Tumagilid ang isang pampasaherong jeep na sa may Ortigas Avenue, Pasig City kaninang alas nueve ng umaga.

Walo ang naitalang nasugatan na pasahero na lulan ng jeep na may plakang DVC 479 at may byaheng papuntang Binangonan Rizal.

 

Agad na dinala ang mga nasugatan sa The Medical City at Rizal Medical Center kung saan sila binigyan ng paunang lunas.

 

 

Ayon kay MMDA Officer Demcy Castigo, mabilis na tinatahak ng drayber ang Ortigas Avenue nang bigla itong sumalpok sa gilid ng kalsada at tumagilid.

 

Sinubukan pa umano nitong tumakas ngunit nahuli rin agad ng isang traffic enforcer.

READ  De Lima: Wala akong sakit, hindi ako nagpakamatay

 

Dinala na sa Eastern Police District ang drayber kung saan siya iimbestigahan.

Source link

0 SHARE

Post Comments