Abu Sayyaf lider na si Alhabsi Misaya napatay ng militar

     7 months ago
195
Leave a Comment
73 SHARE

Patay ang Abu Sayyaf Group na si Alhabsi Misaya sa naganap na engkwentro sa Indanan, Sulu.

Ayon sa source ng Radyo Inquirer, nagsasagawa ng operasyon ang mga tauhan ng militar sa bahagi ng Barangay Silangkan, Indanan nang makasagupa ang grupo ni Misaya.

Wala naman napaulat na nasawi sa panig ng militar habang nagsitakas naman ang mga terorista sa kasagsagan ng bakbakan.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatapusin na niya ang bandidong grupo sa mas mabilis na panahon.

Source link

READ  Lalaking nanggulo sa MPD Headquaters nahuli na
73 SHARE

Post Comments