Abugado ni Robin Padilla, itinalaga bilang government corporate counsel ng Duterte admin

     5 months ago
25
Leave a Comment
0 SHARE

 

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang abogado ng aktor na si Robin Padilla bilang government corporate counsel ng pamahalaan.

Sa appointment letter na may petsang April 18, kanyang itinatalaga sa naturang posisyon si Atty. Rudolph Philip Jurado, isang trial lawyer.

Sa kanyang isinumiteng resume’ isinasaad na ilan sa mga kasong hinawakan nito ay ang kontrobersyal na kaso ni Robin Padilla noong ito ay nahulihan ng mga baril noong 1993.

Si Jurado rin ang nagpanalo sa kaso ng komedyante at pulitiko na si Joey Marquez nang makasuhan ito habang alkalde pa ng Paranaque City.

Nagsisilbi ring legal adviser ng aktres na si Anne Curtis ang 53-anyos na abogado.

Si Jurado ay anak ng yumaong Court of Appeals Justice na si Desiderio Jurado.

Source link

0 SHARE

Post Comments