Aegis Juris frat member lumantad para mabigyan ng hustisya si Atio

     3 months ago
53
Leave a Comment
8 SHARE

Isa pang person of interest sa hazing at pagpatay sa UST law student na si Horacio “Atio” castillo III ang lumantad sa Manila Police District Headquarters.

Nagpakilala ito na si Jason Adolf Robinos na naging aktibo sa Aegis Juris Fraternity mula noong 2013 pero naging inactive noong 2016 dahil sa problema sa kalusugan.

Kaagad nitong itinangggi na may kinalaman siya sa hazing at sinabing lumantad siya para linisin ang kanyang pangalan.

Iginiit ni Robinos na wala siya sa hazing ni Castillo at hindi siya kasama sa pagpa-plano nito.

Nagparating ng pakikidalamhati si Robinos sa pamilya Castillo at sinabing tutulong siya para mabigyan ng katarungan si Atio sa pamamagitan ng pagkikipagtulungan sa imbestigasyon ng mga otoridad.

READ  1 YEAR OF DUTERTE | ‘A human rights calamity’ – watchdog | News5

Source link

8 SHARE

Post Comments